OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error

SANAYSAY ni Katinig Jill Borado De Ocampo tungkol sa Edukasyon

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Tunay nga na ang edukasyon ay isa sa pinaka importanteng dahilan kung bakit ang bawat magulang o isang OFW ay nagsasapalaran at nag sasakripisyo para sa kanyang anak.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang magsisilbing sandata sa buhay at sa kanilang kinabukasan. Masasabi ko rin na ang edukasyon ay isang paraan upang ang ating mga anak ay hindi na mangibang bansa kong sya ay may sapat na kaalaman at pinag aralan subalit sa isang banda ay mas mainam na sandata ng kabataan o anak ang edukasyon sapagkat ito ay nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao.

Kung kaya’t naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng edukasyon upang magkaroon ng magandang kapalaran ang ating mga anak na makapag trabaho lalo na sa ibang bansa upang lalong umunlad.

Malaki ang magiging kontribusyon ng mga magulang upang gabayan ang mga anak na maging seryoso sa pag aaral. Una na rito ang pag papa alala at pag papa intindi sa kanila na kong hindi sila mag aaral ng mabuti ay magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.

Marapat lamang na ipa alala sa kanila na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Kusunod nito ay ang pag bibigay ng sapat na suportang pinansyal upang matustusan ang mga gastusin ng ating anak.

Malaki rin ang maitutulong ng ating kasalukuyang gobyerno sa pag papa igting ng sistema ng edukasyon sa ating bansa tulad ng pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan.

Kasunod nito ay pag buo ng isang ahensya o isang kooperatibang makakatulong sa isang karaniwang magulang o OFW na ang layunin nito ay makapag impok o maka ipon ng pundo para lang sa pag papa aral ng kanilang mga anak. Halimbawa ay ang pag bibigay o pag lalaan ng 5% na sinasahod ng OFW bilang kontribusyon para sa pag papa aral, pag papa utang ng gobyerno natin para sa edukasyon.

Sa ganitong paraan ay mas maka sisiguro ang bawat magulang na makapag aral ng tuloy tuloy ang kanilang anak sa pamamagitan ng mga ahensyang ang layunin ay para sa edukasyon.

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa