Divorce is supposed to be a last ditch decision for a troubled marriage, so it’s interesting to know what it takes for couples to call it quits.
Ang pag iisang dibdib ng magkasintahan ang pinakamasayang kaganapan sa buhay ng tao, ito ay moral sa lipunan at sa mata ng Diyos ngunit may mga pagkakataon na hindi sa nauuwi sa happy ending ang pagsasama ng mag-asawa at kadalasan ito ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay pag-ibig ng tao.
Kakulangan sa pangako ng mag-asawa ang pangunahing dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang dalawang taong nag sumpaan. Ibat-ibang klasing dahilan ayon narin sa mga bagay-bagay na nagaganap sa buhay ng mag-asawa, subalit may mga dahilan ding nakakatuwa lalo sa ibang bansa kung bakit nauuwi ang masayang pag sasama ng mag asawa sa hiwalayan at naghanap ng panibabong katuwang sa buhay ang isang partner at mabilis na naghahanap ng panibagong pag-ibig, dala narin marahil sa legal na proseso ayon sa kanilang saligang batas.
Ang ilan ay mga sumusunod ng nakakatuwang dahilan ng hiwalayan at nana uuwi sa debersyo;
*15 years of marriage, nag hiwalay sa kadahilanang hilig ng lalaki sa pag aayos ng bahay (China)
*Palagiang paghahandog ng baked cake ng babae sa kanyang asawa pagkatapos ng kainan (China)
*Alagang parrot bilang ebedensya ng babae laban sa knayang asawang may kalaguyo sa telepono (China)
*Pagtitig sa mata ng lalaki sa kanyang asawang babae (Saudi Arabia)
*Malakas na paghilik ng lalaki tuwing ito ay natutulog (USA)
*Pagiging bungangera ng babae sa kanyang asawa (USA)
Sa panahong kasalukuyan, lumalaki ang bilang ng mga mag-asawang nauuwi sa deborsyo. Ang pagpapa-legal ng deborsyo ay makakapagdulot ng napakarami pang gustong magpawalang bisa na ng kasal dahil may inaasahan na sila na remedyo sa magulong pagsasama. Kahit sana maari pang ayusin at pag-usapan ang hindi pagkakaintindihan, nauuwi na lang ito sa deborsyo dahil nasa isip na ng tao na ito ay available lamang at legal na. At ang laging talo sa usaping deborsyo ay mga anak na sangkot dito. Nasisira ang kanilang pag-aaral at buong buhay nilang dadalhin sa kanilang dibdib ang nangyari. Sa kabilang banda, ito ay kapaki-pakinabang sa mga relasyong sobra nang magulo lalo na kung ito ay may pisikal ng sakitan. Pag nangbubugbog ang lalaki at pati ang mga bata ay idinadamay. Sa kasong ito dapat lang talaga na hiwalayan at gawing legal ang deborsyo para sa mga taong ito. Lalo na pag nabigyan na rin ng isa o dalawang pagkakataon na magbago at wala pa ring nangyari dapat na talaga ito iwanan ng tuluyan.
Nakakalungkot mang isipin subalit sa panahon ngayon simpleng di pagkaka unawan lamang ay nauuwi na sa deborsyo ang ilan. Nawa maisa puso’t isip parin natin ang mga katagang ating binitawan nung panahon tayo ay sumumpa sa mata ng tao, batas at Diyos.
Find out more about this interesting topic on friday (Feb. 28, 2014) at Tamabalang MJ radio show when dj Michelle Alfeche and yours truly discuss more information, situation guide, opinion and advices with the support of our katinig’s online comments.