PINOY ITINALAGANG MAG-COMMAND SA US AIRCRAFT CARRIER, UMAANI NG PAPURI
Patuloy na umaani ng pagbati at paghanga ang kauna-unahang pagmando ng Filipino-American na siyang commander ng US aircraft carrier na USS Abraham Lincoln.
Una rito si Captain Ronald Ravelo ay nahirang para mag-take in-charge sa isa sa 10 capital ships ng United States Navy.Ang pangyayari kay Ravelo ay hindi lamang malaking karangalan para sa Pilipinas kundi sa kanyang mga kababayang Pinoy sa Amerika.Anak ng retiradong US Navy chief na si Ben Ravelo, ay sinundan ni Ronald ang yapak ng kaniyang ama at nakita ang kanyang tagumpay ngayon.Ipinanganak sa Okinawa, Japan at pinalaki sa San Diego, California si Ravelo ay nakuha niya ang Bachelor’s degree sa industrial and systems engineering sa University of Southern California.
Unang pinangarap ni Ravelo na maging Piloto hanggang tuluyan siyang naging Navy Captain na nagcommand ng may 2,600 na crew na talagang isang malaking tagumpay sa pagiging navy.
Kasalukuyang inaayos sa Newport News Shipbuilding Facility sa Virginia ang USS Abraham Lincoln at nakatakdang lumayag ito sa 2017 sa ilalim na ng pamamahala ni Captain Ravelo….