Akala ko noon pagkarinig ng salitang ABROAD ‘wow galing naman’tingin ko kasi ang saya parang kung ikaw ay nasa ibang bansa lahat ng pangarap mo ay matutupad ng walang kahirap hirap na ganun kadali ang kumita ng pera dito na lahat ng gusto mong bilhin ay mabibili mo kaya dati pa yun na pinangarap ko na mangibang bansa.
Ngayon isa na ako sa pinagpala na makapag trabaho sa abroad natupad na ang pangarap kong iyon,akala ko ganun lang kadali ang lahat kabaliktaran pala yun ng akala ko noon..oo nga masasabing mapalad narin sapagkat naibibigay ang pangangailangan finansyal ng pamilya pero di biro ang mapalayo sa mga anak o pamilya maraming namimiss na mga okasyon na mahahalaga na imbes kasama mo sila ay hito at nag iisa at pinakakasya ang sarili na pilitin ienjoy ang lahat na kunwari masaya pero deep inside ang puso ay lumuluha at nangungulila.
Sa kabilang palad dapat parin ipagpasalamat sa maykapal ang lahat dahil dito natoto na lumaban sa buhay,nakarating sa iba pang parte ng mundo ang mapalad na maisama ng mga amo,nakasalamuha sa ibat ibang klase ng tao, natotong ngumiti at makipagkaibigan sa taong di kakilala,natoto na kung bubuksan ang puso mo ang mundo ay napakalaki na ni minsan dimo kailangan maramdaman na ikaw ay nag iisa dahil sa isang sulok saan man sa mundo mayroon isang tao na parehas ang dinaranas ng saiyo.
IKaw kabayan ano ba ang kwento mo, bakit naisipan mo na mangibang bansa? Dahil ba sa ikaw ay mahirap na katulad ko o dahil sa gusto mo maka experience ng buhay abroad? Cguro kahit anuman ang dahilan mo isa lang layunin natin ang mapaunlad ang sarili, makatulong sa pamilya at sa ating inang bayan.Bagong bayani nga ba? Siguro nga kasi lahat na ng sakripisyo mararanasan lalo na ung may mga pamilya na.Mabuhay tayong OFWs…
God is always with us