Essay of Eyhanie Joy dela Cruz
YOLANDA
Kung limang taon pa bago makabangon ang Visayas lalo na ang Tacloban dahil sa pinsala ng bagyong Yolanda ay siguro naman mahabang panahon na upang makabangon at bumalik na sila sa magandang pamumuhay.
The Filipinos is waterproof sabi ng ilang komento, kahanga hanga ang katatagan ng mga Pilipino, nakakatuwa ng buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. nakalulubag rin ng loob ang pagbuhos ng tulong mula sa ating mga kaibigan mula sa ibat ibang bansa. Gayon paman kailangan nating tandaan na ang Relief Goods ay pamasak butas na solusyon lamang, kailangan nating gawing institusyonal ang paghahanda para sa mga kalamidad.
Bilang isang indibidwal ang magagawa ng mga katinig upang makatulong ay sa Personal nating kakayahan, maaari tayong tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera, damit, pagkain, tubig at gamut. Hindi ito kailangan ibandera o ipagmaingay, wag rin po sana maging dahilan ang kawalang tiwala ng ilan sa ating pamahalaan para hindi magbigay sa mga nasalanta, napakarami pong Organisasyon ang may Relief Operation kaya marami po tayong pagpipilian ng pagtitiwalaan,
Sa palagay ko ang maaaring gawin ng ating pamahalaan natin upang mapabilis ang pagbangon ng nasalantang mga lugar ay ang alamin at ibigay ang mga pangangailangan, kailangan nila ang pagkakaisa para sa mga mamamayan, magsagawa ng mabilis na solution upang mapabilis ang pag unlad o pagbangon ng mga Biktima at wag nilang gawing politiko ang pagtulong nila sa kapwa lalo ng sa bayan ng tacloban..magtulungan at wag bumitaw sa pagkakapit sa Dios.
May namumuo na naman daw na bagyo na tatama sa mga lalawigang hinagupit na ni Yolanda. Naway ipag adya ng Poong may kapal ang ating kababayan sa kapahamakan..Maraming salamat poh.