On DEAR DJ REGINA show, Saturday, 11 October 2014, 9pm to 12am Manila time
Our Special Guests:
Band name: SAMUSIKA
Meaning: SAmahan sa MUsika, SIning, Kultura Atbp.
Alyssa Marie Baid – singer/composer/acoustic
Jr Prisno – rapper/poet/composer
Capone Flanzel – rapper/composer
Jhake Nebreja – composer/arranger/musician
**Music Genre po namin ay mixed-music ika-nga KantaRap kung baga eh Tinig Pinoy Style**
Alamin po natin kung sino ang mga meyembro ng SaMuSika.
Regina Sosing (RS): Sino po ang SaMuSiKa?
Jhake Nebreja (JN): ang SAMUSIKA po ang pangalan ng grupo naming apat nila Alyssa Marie Baid, Jr Prisno, Capone Flanzel at ako po.
RS: Paano po nabuo ang banda?
JN: Nabuo po ito nung nag-usap kami ni Jr Prisno na mag-collaborate ng mga kanta namin at gumawa ng compilation album. Nagkataong kokonti pa lang ang mga kanta namin kaya’t napagkasunduan naming magsama ng ibang composer. Dahil nga po si Jr at Capone ay laging magkasama sa mga hiphop scene kaya’t isinama na po namin siya. At si Alyssa naman po ay sinubukan kong alukin kung interesado siyang sumama sa compilation album namin kasi nagkataon pong member din siya ng MUSIKA. At pumayag naman po siya.
RS: Ano po ang mga proyekto nyo ngayon?
NJ: Sa ngayon po ang COMPILATION ALBUM ang first project ng grupo. Kasama po dito ang ibang mga kompsitor tulad nila: Prof. Joel Costa Malabanan – professor sa PNU Roger Pepito – isang security guard Glenmore Bañares ng AZIM Band – medtech sa Unilab Noel Patatag – isang Blind masseur Alyssa Marie Baid – isang teacher Capone Flanzel – isang computer technician Jr Prisno – call-center technical support at Ako po – jobless
RS: Ano po ang mensahe nyo sa ating mga taga pakinig?
Ang panawagan po namin sa mga kababayan natin na patuloy po sanang tangkilikin ang musikang Pilipino kahit na po mas sikat ang mga banyagang awitin. wag pong tangkilikin ang pirated cd para naman po mabuhay kaming mga composer. Ipanawagan po sana natin sa gobyerno na bigyang priority ang Pilipino music at gawing 90% na patugtugin sa mga radio station kahit na po mas malaki ang binabayad na payola ng mga malalaking recording company. Mahalin po natin tangkilikin ang mga sariling atin kahit na hindi po masyadong maganda ang quality sa ganon po ay mapapaunlad natin ang ating industriya at ekonomiya at siguro matututo na rin ang iba nating mga kababayang mangangalakal na gumawa ng mga de-kalidad na produkto at wag na pong manloko ng kapwa.
RS: Kailan po ang inyong shows at paano po kayo ma contact?
JN: Ang nalalapit po namin pagtatanghal ay sa Oct.19 sa CCP Finals Night ng Freedom Song Contest kung saan naging isa sa mga finalist ang kantang KALAYAAN na ginawa namin ni Jr Prisno.
Ang mga contact po namin:
Jr Prisno Cel.09428082848
Capone Flanzel Cel.09264263310
Alyssa Baid Cel.09479784432
Jhake Nebreja Cel.09071273612
Ito po ang ilan sa mga naisulat ng mga awitin at ang liriko:
IPAKITA MO (Tayo’y Pilipino) Jhake Nebreja – composer
Mula Tawi–Tawi, hanggang sa Aparri Ang mga Pilipino, iba’t–iba ang lahi LUZON, VIZAYAS, MINDANAO LUZON, VIZAYAS, MINDANAO ANG MGA PINOY MAY KANYA–KANYANG UGALI AT PANANAW.
Koro TAYO’Y PILIPINO MAY SARILING PAGKATAO IPAKITA NATIN SA BUONG MUNDO (IPAKITA MO)3x
KAPAMPANGAN KABALEN, KABALEN, KABALEN TAMU IPAKIT TAYA KING YATU
TAGALOG Ang ating bayan ay may sariling kaugalian Na bakit binabago ng mga dayuhan at kapwa Pilipino Na walang paggalang sa sariling pagkatao!
ILOCANO TOY ILIK URAY NO NAKURAPAY LING-ET KEN DARA…NAISIBUG ITI DAGA TOY POON KO KABSAT KEN NAGANNAK NGA DIDTOY NGA NAIYANAK, KEN NANGTED ITI BIAG SIAK MET TATTAN…SIAK MET TATTAN (WEN MANONG)
BICOLANO Kitang Pilipino dakol an tataramon. Piro saro lamang an kalagnaton. Kitang Pilipino dakol an tataramon. Piro saro lamang an kalagnaton. Kita’y magturugang (kita’y magturugang) Kita’y magturugang (kita’y magturugang)
MUSLIM MARANAO Sukutano na Pilipino, madakul tano i adat Pero isa bo-a Poonan. Sukutano na Pilipino, madakul tano i adat Pero isa bo-a Poonan. A Pilipinas (A Pilipinas) Rukutano ina a ingud. A Pilipinas (A Pilipinas) Rukutano ina a ingud. ASALAMALAYKUM!
ZAMBAL–AETA Mimiha tamo, manila kalamo ko Ha kaganawan tawo, idani mo (IPAKITA MO)
WARAY May kalugaringon nga pagkatawo Ipakita naton hanga tanan (IPAKITA MO)
PANGGALATOK Tayo’y Pilipino wal–oy sarilik Ipaling–ling nga nya mundo (IPAKITA MO)
IBANAG Ka iliakku ira Filipino ittam Ta interu mundo ipasingatam
ILONGGO Indi naton pagkalimtan nga kita ay Pilipino. May kaugalingon nga lenggwahe,panimuot kag kinaalam Nga ginpanubli pa naton sa aton katigulangan Manggad nga wala parihas sa bilog nga kalibutan.
RAP TAYO AY MGA PILIPINO… ANG SABI NG LOLA AT LOLO DAPAT RAW AY MAGALANG TAYO, SA ATING KAPWA–TAO (OPO) WAG RAW TAYONG GAYA–GAYA, (GAYA–GAYA–PUTO–MAYA) HINDI TAYO MGA KANUTO, IPAKITA MO, PILIPINO
CEBUANO Kung tinuod kang usa ka, ka Pilipino Kinahanglan gyud, ipakita nimo! Dili sa sulti, kun dili sa buhat Ipagmatuod mo sa imong isig katawo Nga Pilipino ka (IPAKITA MO) Nga Pilipino ka (IPAKITA MO)
BATANGUEÑO Ala–eh…Halu-halo ga ang lahi ng Pinoy May Tisay at Tisoy, Chinita at Chinoy Baluga at Kastilaloy (Ala–eh3x) Japino at Egoy (pero dugong Pinoy)
koda: IPAKITA MO! (Tayo’y Pilipino)4x IPAKITA NIYO! (Tayo’y Pilipino)4x MANGYAN NAAN GINAN? (Tanong ng Mangyan) NAAN TABOG KAWO? (Saan kayo patutungo?)
TAYO’Y PILIPINO MAY SARILING PAGKATAO IPAKITA NATIN SA BUONG MUNDO!
winorkshop po ito ni Ka Heber Bartolome at nirecord sa studio niya sa bahay kasama ang mga boses ng ilang miembro ng M.U.S.I.K.A. (Malayang Ugnayan Sa Industriya ng mga Komposer ng Awit. Inc.)
Tunay Na Kapayapaan
composed by Jr Prisno feat. Alyssa Baid & Capone Flanzel
Koro: Marami na ang naghintay ng matagal Patuloy na umaasa’t nagdarasal Sana ay bigyang-daan at nawa ay makamtan Ang tunay na kapayapaan
Sumakay ako ng jeepney patungong Cubao Nang marinig ko ang awit tungkol sa Minadanao Humihingi siya ng tulong dahil sa mga pangyayari Habang nakikinig tinanong ko ang aking sarili Kung ilang litro na ba ng dugo ang kailangang umagos Ang gulo sa bahagi ng Mindanao ay hindi pa rin matapos Ilang henerasyon na kasi ang naglaban-laban Hanggang ngayon hindi pa rin tayo magkaintindihan
Ang mga tigil-putukan kasi ay nakasaad lamang sa kontrata Pagkatapos batuhan na naman ng mga Granada Nasira ang kabuhayan at umuulan ng bala Kaya maraming Muslim ang pumunta sa Metro Manila Dala nila’y pag-asa ngunit bihira ang oportunidad Marami kasi sa atin ang hinuhusgahan sila agad Kinakatakutan at tinatawag din silang Moro At sa tuwing may pagsabog sila ang madalas nating ituro
Marahil marami tayong pinagkaiba sa kanila Pero bago manghusga ng kapwa pag-isipan mo muna Hindi lahat ng Muslim ay may bomba sa katawan Tulad din natin silang may pangit at mabuting kalooban Tulad din natin sila na kailangan ng edukasyon Pagkain sa hapag at karapatan sa relihiyon Kung gusto n’yo ng kapayapaan gawin na natin ngayon Dahil ang tunay na kapayapaan ay TAYO ANG TUGON ( ulit koro )
Tuwing may gera, sino’ng kumakita, sino’ng kawawa? Sino’ng nagbebeta ng mga armas pandigma? Di ko na itatanong kung sino ‘yong mga ganid At kung pa’no ito dumadagdag sa polusyon sa ating paligid Ginawa na nga raw negosyo ang nagaganap nag era Ang tubo ay poot sa halip na pang-unawa Sana’y inyong marinig ang nais kong ipabatid Na sa usapang panagkapayapaan tayo mas makakatipid
Hindi naman mahirap kahit mahaba ang proseso Kumpara sa pagsabog at pagkalabit ng gatilyo Na tumupok sa mga bahay, kumitil ng maraming buhay Sumira sa kinabukasan ng mga inosenteng nadamay Tinatanong nila ang kulay, lasa at damdamin Ng lenggwaheng kapayapaan at ang ibig nitong sabihin Kaya h’wag n’yong iisiping ito’y isa lamang ilusyon Dahil ang tunay na kapayapaan ay TAYO ANG TUGON. ( ulit koro )
Koda: Sa Luzon, Vizayas at Mindanao
“bale demo recording pa lang po ito at hindi pa final. wala pa rin pong youtube ito. composition po ito ni Jr Prisno pa-tungkol sa mga nangyayari ngayon sa usapang Mindanao.” yan po ang paliwanag ni Jhake Nebreja.
Tayo Na
Composed by Jhake Nebreja feat. Alyssa & Jr Prisno
Pag kasama kita di nag–aalala Pag kasama kita ako’y masaya Hirap ng buhay di alintana Takot nawawala pag nariyan ka
Koro: Tayo…tayo na Tayo…tayo na
Kahit saan pa man makarating Kahit sa dulo pa ng daigdig (kung meron man) Mga pagsubok ay haharapin natin Basta’t kasama kita kakayanin (ulit koro)
Tulay: Pag ako’y nakalimot Ipaalala mo sa akin Pag nagkamali naman Sana ay patawarin mo ako
Ang mahalaga ay kasama ka Wala tayong iwanan sana Sanggang–dikit tayong dalawa Walang bibitiw…tayo na
Koda: Tayo…tayo na Tayo…tayo na Tayo… RAP Ang akala ko ay naglalakbay lang ako mag-isa Nung mga panahong marami akong problema Di ko nga namalayan kung paano ako nakarating dito Kelan ko lang napagtanto na binuhat mo pala ako Parang hawig nito yung kwentong madalas kong basahin Tugkol sa mga bakas ng paa na nasa buhangin Ngayon saan man ako makarating o anumang suliranin Dahil kasama kita lahat ay handa nang kayanin
“demo pa lang din po ito na ginawa ko at si Alyssa Marie Baid ang kumanta at nilagyan ni Jr Prisno ng RAP.” dagdag na paliwanag ni Jhake Nebraja.
YOUTUBE LINKS:
https://www.youtube.com/watch?v=Ki55QaJAFWc
https://www.youtube.com/watch?v=tm1_8mtqti8
MANGGAGAWA http://youtu.be/F4pkXeulaqM?list=UURxcWeV5PN9jdTp5UzrQkGA
PANGARAL https://www.youtube.com/watch?v=jG_sXeopDTo…
Song by Capone: https://www.youtube.com/watch?v=Vo-0ICXYItM
Song by Alyssa Baid : https://www.youtube.com/watch?
Song by Alyssa Baid : https://www.youtube.com/watch?
Mga awitin nila:
JHAKE NEBREJA:
MAMAMG MAY BARIL (1985 first single) at DAMBUHALA SA MORONG (1981 recorded by INANG LAYA duet composed of exDean of UP Arts&Science & exDSWD.sec Karina David at Becky Demetillo).
JR PRISNO: AMO NG POLITIKO at BILYON-BILYON
ALYSSA MARIE BAID: PITONG ARAW SA ISANG LINGGO, SINO NA LANG BA, MATALINONG DI MARUNONG (Jam), DI MO ALAM
CAPONE FLANZEL: PUSO AGGARAW AT IDJAY AYANMI
If you wish to be included in my guest list — please send me an email: producers@tinigpinoy.net