Iniaalay ko ang kathang ito para sa aking kaibigan,kaibigang kapatid ko na kung ituring.naging lalo akong matatag sa taong ito,sa kanya ko natutunan ang maraming bagay,ang mabuhay ng may lakas ng loob at walang laban na dapat urungan,mga pagsubok sa buhay na iyakan mo man itoy patuloy mong haharapin at tatayo ka at taas noo mong ipagmamalaki kung ano ka man sa mundong ito..ang maikling tulang ito ay buhat sa kanyang buhay.
Ang aking Paglayo
Akoy munting batang naghanap ng kalinga. Kailangan kailan ma’y di ko magunita. Maagang kinuha ang inang masasandalan at ang amang kailan may di ko mayakap pagkat ako’y nag-aalangan sapagkat akin ng dinanas ang pag takwil at kalimutan.
Ang aking paglayo ay hindi sa pangarap na maiahon sila sa kahirapan kundi upang makalimot sa sakit at pangungulila sa inang sandali lamang nasilayan,may mga kapatid man ito’y sadyang di maramdaman.
Ngunit bakit tila ang tadhana’y sadyang kay lupit para sa akin.?aking inakalang mamahalin kong tao’y at habang buhay ko ng masasandalan, kasama sa iyakan at tawanan kung minsan, kasamang bubuo ng pamilya, mangangarap ng walang hanggan. Para bang bangungungot ang naranasan at ako rin ay kanyang iniwan,kasama na sya ng ina kong sa langit nagdiriwang.
Ang aking paglayo at paglalakbay kasama ang mga kaibigang sa akin ay umaagapay at maituturing kong pamilya kong tunay.