The Essence of a woman is to become a mother, and being a mother is a fullfilment of completeness.
Marami po sa atin ang mga professionals na masasabing mahirap ang kani kanilang mga trabaho, katulad lamang ng pagiging doctor, teacher, nurse, lawyer, EngineerĀ at iba’t ibang propesyon na ating piniling tuparin. Pero ang hinde po natin alam ay may mas mahirap pang trabaho dito sa ating mundong ginagalawan, lahat kailangan nyang gawin para ang lahat ng mga pangarap ng bawat nilalang na isisilang nya ay matupad at ito ay ang pagiging isang INA.
Ang ina ay hinde lamang isang ilaw ng tahanan kundi sya rin ay gabay ng bawat anak, isang guro , dahil ang ating kaalaman at nag uumpisa sa ating tahanan at kadalasan ang INA ang syang nagtuturo upang tayo ay matutu ng mga bagay na hinde. atin natutunan sa paaralan.
Sa panahong kasalukuyan maraming Ina ang nag titiis na mawalay sa kanilang mga anak upang ito ay mabigyan ng magandang kinabukasan. Nangingibang bansa para lamang matustusan ang pag- aaral ng anak at maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Ilang mga ina ang nasa ibang bansa. Kung ikaw ay isa dito:
* Paano mo magagampanan ang iyong tungkulin bilang isang ina dahil ikaw ay malayo sa iyong mga anak.
* Kung ikaw ay isang anak na malayo sa iyong ina, paano mo gagampanan ang iyong tungkulin at ipadama sa sa iyong ina ang kanyang kahalagahan.
* Kung ikaw naman ay isang asawa na ang iyong maybahay ay nasa ibang bansa, paano mo ipaparamdam sa kanya ang iyong pagmamahal at gampanan ang iyong tungkulin bilang isang asawa.( lalaki)
* Kung ikaw ay may isang hiling para sa iyong ina, ano ito?
Mga katinig kayo po ba ay nakakarelate sa ating topic ngayong gabi? Atin pong pag usapan….Tutok lamang po sa Tambalang MJ….post na po kayo ng inyong opinion.