OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error
Search
Close this search box.

Saan nagkamali si Manny Pacquiao?

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

 

Dalawa lang ang mali ni Manny:
~Umentra sya sa pambansang pulitika
~Masyado syang totoo sa damdamin nya

Ang dalawang yan na nakasaad sa kasalukuyang panahon ay hindi maaaring mapagsama at ang kalalabasang resulta ay tagumpay sa isang ambisyon.

Sa panahon ngayon kung pulitiko ka, kahit matigas ang punto mo kung gusto mong manalo yuyuko ka o babaliko – maaaring konti o pwedeng sagad-sagad, depende sa ambisyon at sa kakayahang talunin ang konsensya.

Eto lang ang isang payak na pahayag para sa idolo kong tao sa isang larangan (boksing), at inaamin kong isa rin akong kritiko nya na sagad sa buto kung pumansin sa kakayahan nya bilang kalahok sa hanay ng pambansang mambabatas.

Hindi pwedeng magsama ang pulitika at tapat sa isip na pagpapahayag ng damdamin (lalo na sa mga panahong ito).

Ang sakin naman, isang pagpapatas, marami rin namang pangungutya at paglalaro sa pamamagitan ng katawa-tawang kuwento sa pamilya ni Manny (lalo na sa mahal nyang ina), pero sabi pa ng isang nagmamahal kay Manny, hindi sya rumesbak. Bagkus, pinagpasa-Diyos nya na rin lang ang lahat.

Ito pa, natutuwa ako sakaling bumaba ang ratings ng pambansang kamao para sa karera ng mga kandidatong senador dahil mababawasan ang boto nya, syempre di sya magiging senador. Di sya magagamit ng ilang nakapalibot sa kanya at di sya kukutyain at pagtatawanan sakaling di nya maintindihan ang mga pangyayari sa loob ng senado.

Wag malungkot Manny Boy, maybe this is one way how GOD will save you from all the crooked, cruel and evil people surrounding you. I hope you make up your mind at wag na ipagpatuloy yang pagsisenador. Makuntento ka na dahil masalimuot ang patutunguhan mo. Magbigay ka na lang ng tulong kahit walang titulong “senador”.
Gayahin mo si Bossing Vic.

God bless y’all!

~Tukmol Sawsawero

Note:

DJ Regina posted this on behalf of the real author, Roy B. Rapsing. Roy is from Pambujan, Northern Samar. A father of 2, an ECE (Electrical & Communications Engineering) graduate  and he claims to be a government balancer.

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.