Sa Libro ng Buhay
Ang buhay ay parang isang libro,may makapal na pahina at ang katumbas nito’y mahabang paghinga.may nakakaiyak at nakakatawang istorya subalit walabg linyang hindi nagdurusa.
Itoy palaging naglalaman ng kwento mula sa pamilya at nakabase sa pagkatao ng gumuguhit sa bawat linya.
Datapwat ang mga bagay ay sobrang mahalaga,ang buhay na walang kulay kung walang magbibigay ng saya,kung bakit ang tao’y parang isang libro na kung sa umpisa’y nag-aalangan tayo.Nag aalangang basahin at kilalanin ang nilalaman nito.
Subalit pag nasimulan na at pinakinabangan ito halos di na bumitiw sa pagkaka-kapit dito.pero ano pa nga ba at pag sa bandang huli na at tila patapos na parang walang nangyari at inisip ng ilagay sa isang tabi.
Parang taong matapos mong pakinabangan at pag wala na ay unti-unti mo ng iiwan.Sabi nga ang buhay ay parang libro,may pahina kung saan masaya at may linyang tatatak sa isip mo at bibigyan mo ng halaga.Subalit ang pinakamahalaga ay iyong bubuo sa istorya kung saan masasabing ang pagtatapos ay habang buhay na saya at walang hanggang nakaukit ang aral na mula sa unang pahina.
Ikaw katinig alam mo na ba kung paano buoin ang libro ng iyong buhay?o isa ka rin kagaya ko na patuloy ang pagtanaw sa dulo ng pahina??