Tinig Pinoy Radio

OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error
Search
Close this search box.

Sa Balota, dapat Wise Ka – Cathy Pastrana

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Ngayong nararanasan natin sa mga past generation up to present na patuloy ang kahirapan ng bansang Pilipinas walang ibang sisisihin sa kahirapan kundi ang taong bayang nagluklok at nagpagamit sa kapangyarihan ng pera.

Katinig given na eh, umpisa pa lang alam na ninyo ang power ng pera pero nagpapasilaw pa rin dahil sayang nga naman daw eh. Katinig asan ang prinsipyo at paninindigan mo? Sorry kung may matatamaan man nito. kasi minsan hindi nag-iisip ng mabuti bago magpasyang i-vote ang taong nararapat, dahil sa kadahilanang tumanggap kasi ng pera galing sa mga swapang na kandidato? Grrrrrrrr! Disgusting!

Katinig tandaan niyo, kapag sinumang tumanggap ng panunuhol iisipin nila AY PERA-PERA LANG PALA ITO. See? Now katinig makinig mabuti, kung gusto mo ng pagbabago at maginhawang buhay simulan mo sa mabuting pagpapangaral sa mga anak mo at mga kaapuhan mo ang tamang pagpapasya na gagawin.

Kung nagkamali man kayo noon, ngayon iwasto niyo, natin lahat at talikdan ang kamaliang nakaugalian. Ang pagbabago mo, ikaw, yes ikaw katinig……ay hawak mo sa bawat guhit ng ballpen mo pagdating sa balota maging wise ka!

Huwag mong idahilan dahil nabigyan ka ng pera o binili ang vote mo ay yun at yun ang susundin mo talaga? E hindi ba hindi naman nilalagyan ang balota ng mismong pangalan mo para malaman na yan ang ibinoto mo katinig? Hmmmm.

Tapos kapag naluklok na sa pwesto ang mga sumuhol sa inyo at makitaan niyo ng maling pamamalakad agad-agad magsasagawa ng rally? Waaaaaaa! Katinig, patawa ka. Kaya nga laging nakalagay sa mga banner VOTE WISELY?

Now, did you? Oh c’mon katinig tama na….napagod kana? Ako rin pagod na rin, paano na lang kung mararanasan ng future family mo ang kahirapan? Gusto mo ba? Kaya ! katinig plssssssss! Mag’isip Mag’isip Mag’isip. Nasa kamay mo at buka ng bibig nating lahat ang pagbabago.

Tandaan! Piliin ang taong iluloklok mo sa pwesto na may takot sa Panginoon na ni minsan hindi niya ipinagmamalaki ang kanyang yaman. Ramdamin mo ang katotohanan katinig, huwag ang pera ang pakiramdaman mo.

VOTE WISELY! Ang tamaan huwag magalit sa akin dahil itong pawang katotohanan lamang.

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.