Batid naman nating lahat na ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsyon sa ating pamahalaan. at ito ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.”
Kabilang sa mga paraan ng korapsyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintuan, nepotismo at padrino.
Maraming ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korapsyon sa Pilipinas tulad ng Office of Ombudsman (OMB), Civil Service Commission (CSC), Commision on Audit (COA), at Sandigang Bayan na ang layunin nila’y mag silbing hadlang at sumugpo sa mga opisyales sa gobyerno at sa mga taong na nanamantala sa kaban ng bayan.
Ganun pa man ang korapsyon ay patuloy pa ring laganap sa kadahilanang ang mga nasabing ahensya ay hindi nabibigyan ng lubos na kapangyarihan upang labanan ang korupsyon.
Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.
Kung ako ay bibigyan ng kapangyarihang sugpuin ang Koraprsyon sa ating bansa ito ang aking gagawin.
1. Susuporthan ko at palalakasin ang mga ahensyang naglalayong sugpuin ang korapsyon bilang pag bibigay ng karampatang sahod, parangal at pabuya sa mga naka huli ng mga taong mapag samantala sa kaban ng bayan.
2. Pagbibigay ng karagdagang pag aaral at kaalaman sa mga kabatang mag aaral kong paano mapaglalabanan at sugpuin ang lumalaganap na korapsyon sa ating Bansa.
3. Ipatupad ang parusang kamatayan sa mga kurakot na opisyal ng pamahalaan.
“AT BILANG ISANG KATINIG, ang maitutulong ko upang mabawasan ang tahasang pag nanakaw sa kaban ng bayan ay ang simpleng pag babayad ng tamang buwis, iwasan ko ang pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon.
At maging isang huwarang ina, kaibigan at katinig na may takot sa diyos at hindi marunong gumawa ng masama o mang abuso kanino man lalong lalo na sa ating Bayan.
Maraming salamat at mabuhay po tayo mga katinig.