OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error

Eyhanie Joy dela Cruz – February 2014 TPR Calendar Girl Finalist

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Candidate Eyhanie Joy dela Cruz

Ipinakikilala po ng Macau Team ang aming Ms.Calendar Girl February. Ako si Eyhanie Joy dela Cruz: Ipinanganak sa bayan ng Maitum, Sarangani Province, noong february 29,1983; na sa kasalukuyan ay nakatira sa General Santos City (sa bayan ni pacman hehe); nag aral ng elementarya sa Maguling Elementary School noong 1996; nag High School din sa Maguling National High School at nagtapos noong 2000; tumungtong ng tatlong taon sa kuliheyo sa University of the Philippines (UP DILIMAN QUEZON CITY MANILA) ngunit hindi nakapagtapos dahil sa namatay ang aking ama,nabaril sya ng kanyang kapwa pulis noong nagkagulo sa Divisoria, Tondo, Manila kaya napilitang huminto at d tinapos ang kursong nars (nursing).

Nakilala ko ang isang lalaking nagpatibok ng aking puso hehe nagkaibigan hanggang sa nagkaroon ng anak na babae at dahil sa malas ang pag ibig sa buhay ko nagkahiwalay at tuluyan ng nagkalimutan..sa hirap ng buhay at lalong may maliit na baby napag isipang umibayong dagat at nag apply bilang domestic helper (DH)..sa awa naman ng Dios narating ang bansa ng Qatar umabot aq ng dalawang taon at lumipat at palipat lipat sa iba’t ibang bansa sa loob ng pitong taon, nakayanan ko ang hirap sa bansa ng mga arab..at dahil din dito nakapagpundar ng sariling lupa at bahay at syempre naibigay din ang pangangailangan ng aking nag iisang anak. Apply aq sa hongkong bilang DH sa awa ng Dios narating ang HK pero dahil nga sa may malas na sinasabi naterminate aq hehe at dinala ng hangin dito sa MACAU at sa kasalukuyan nag tatrabaho na dito sa macau.

Kaya ko po gustong sumali bilang isang calendar girl dahil gusto ko pong ipakita ang aking angking talino na bigay ng poong may kapal sa akin. Nais ko pong ipaalam na magaling po ako mag drawing/pinta. Nais ko pong sabihin na kaya kung mag draw/pinta na gamit ay ang aking bibig. Kung sakali po na ako ay mapili bilang Calendar Girl ng February. Una ko pong pasasalamatan ang Dios at syempre ang buong staff ng Tinig Pinoy Radio…Marami pong salamat.

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa