“Ama kami pa rin ay iyong pinagpala”
Written by #KathCabrera
Marami man ang kasalanan naming nagawa.
Malugmok man sa droga at kami’y madapa.
Talikuran man ang bagay na maganda para sa kapwa.Kami pa rin ay iyong patuloy na itinatayo at pinagpapala.
Kay daming poot at hinanakit na nakaukit, sa dibdib naming naghihinagpis ng pilit.
Magmukmok man kami sa isang sulok at mag-isip,andyan ka pa din at sa amin ay nagmamasid,nag aalala at hinihilom ang sugat na aming nakamit.
Diyos Ama ngayon ay batid ko na kung gaano ka kahalaga,at higit pa sa sino man minamahal kitang sobra.
Sapagkat pinilit mong buksan ang iyong pintuan para sa kagaya kong walang alam.Walang alam kundi magdasal lang pag nangangailangan.
Binigyan mo ako ng kakayahan at kaalaman lumikha ng mga Tula na kailanman ay di ko inaasahang aking magagawa.
Hayaan mo pong magamit ko ito at mag-alay saiyo.
Sapagkat karapatan mong tanggapin ang kabayaran ko sa kadakilaan mo.
Panginoon isa pang kahilingan ang nais kong makamtam,nagmamadali man ako ng kasagutan,ito’y para sa kapwa kong walang alam,na katukin mo po ang natutulog nilang kaisipan at sumunod sa akin kung saan pumasok sa pinto ng walang hanggang kaligayahan,kung saan andun ka at tayo ay nagdiriwang.