Mga katinig ilang araw nalang at valentines na….kayo ba ay may mga ka date na ?? hmmm isip isip.
Alam nyo ba dito sa japan sa tuwing Febuary 14 ay mas binibili nila yung chocolate. ito po ay dahil traditional na nila na sa tuwing valentines day ay ang mga babae ang nagbibigay ng chocolate sa lalaki, at para sa mga teenagers pinaparamdam ng babae na may gusto sya sa lalaki kaya nya ito binibigyan .
AFTER 1 MONTH
Tuwing March 14 may tinatawag sila na White day ito ay ang pagkakataon ng mga lalaki na magbibigay ng flower sa babae lalo na yung nagbigay sa kanila ng chocolate at ito ay response ng lalaki na may gusto din sya sa babae.
Kayo mga katinig may mga traditions din ba yung napuntahan nyo??? share din po kayo.
HAPPY VALENTINES DAY!