DEAR DJ REGINA
Letter Sender, Saturday, 18 October 2014, 9pm to 12am Manila time
Dear Dj Regs.
Itago mo po ako sa pangalang Lovey. Ako po ay may asawa at dalawang anak. Akala ko po noon Dj Regs hindi ako magkakaproblema tungkol sa pag ibig dahil mahal na mahal namin ng isat isa ang asawa ko.
Ngunit ako po ay nagkamali dahil parang nawalang bula ang pagmamahal ko sa asawa ko kasi ako ay nagmahal ulit sa pangalawang pagkakataon. Willing po ang bago kong mahal na pakasalan ako.
Pero kahit papano ayaw ko namang masira ang pamilya ko lalo na at may anak ako, proud pa naman ang mga relatives ng asawa ko at ini idolo nila kami dahil napakatatag daw namin.
Ngunit eto ako ngayon na gulong gulo ang isip kung ano ang dapat kong gawin dahil mahal ko yong pangalawang lalaki sa aking buhay.
Napakabait po ng asawa ko pero bakit po ganoon mas matimbang ang pangalawang mahal ko kahit araw araw din kaming nag uusap ng asawa ko.
Parehas po kaming nasa Middle East ng nanliligaw ngayon sa akin. Pero hindi pa po kami nag kita since 1996. Last january lang po kami nagkatagpo ulit sa facebook. Naging friend ko kasi sa facebook yong friend nya at nabanggit ako ng friend nya sa kanya.
Crush ko po sya noong High School, may gusto din pala siya sa akin noon pero hindi sya nakapag sabi. Sa ngayon po ang buong katotohanan ay may asawa siya. Dalawang anak 5 and 2 years old. Ako din po ay may dalawang anak, 8 and 4 years old.
Ano po ang gagawin ko Dj Regs?
Naguguluhan,
Lovely
Paki play po ng song Bakit Ngayon Ka Lang Dumating
Wish to send a letter to DEAR DJ REGINA show? Send an email to me: regina@tinigpinoy.net
DISCLAIMER:
The content of DEAR DJ REGINA show on Tinig Pinoy is intended for general information purposes only. It is not designed to provide listeners with specific and personal, medical, financial, legal, counseling, professional service or any advice. The programs are not meant to diagnose, treat, cure or prevent any disease. Individuals with health problems should always consult their health care provider for professional medical advice, medications or treatments. Tinig Pinoy also does not promote anyone’s individual practice, programs, agendas, particular treatments, healthcare programs, providers, hospitals or medical centers.
The views expressed by show hosts or their guests are their own and shall not be construed in any way as advice from Tinig Pinoy Radio. We make no recommendations or endorsements for radio services, or products mentioned on-air or on our web. Personal perspectives expressed by the producers, writers or editors will always be presented as such. We encourage you to seek professional advice or care for any problem which you may have.
No liability, explicit or implied, shall be extended to Tinig Pinoy Radio or the show hosts whose words and/or opinions appear from or on this Web site.