Habang akoy naglalakad patungo sa eskwelahan ng aking inaalagaan nasilayan ko ang dalawang batang tuwang-tuwang sinusubuan ang kanilang lola,napatitig ako at di ko namalayan na tumulo na ang aking mga luha. Bigla kong naisip ang mga lola ko na wala na sa mundong ito.Naalala ko ang mga araw na namamasyal kami at hawak nila ang kamay ko, naalala ang mga oras na palagi kaming nagsisimba.
Inisip kong bakit ganoon ang buhay ng tao? may nagtatagal na kahit sumusuko na sa hamon ng buhay patuloy pa rin silang humihinga at nasisikatan ng araw. at meron din namang ayaw pang sumuko at gusto pang mabuhay ng matagal sila pa yung nauuna at binabawi na.
Sadyang kay hirap mawalan ng mahal sa buhay lalo na ng kunin ang lola ko na ang mga bisig ko’y nasa kanyang mga kamay, pinipilit na sya ay lumaban ngunit di na talaga kaya ng kanyang katawan.
Lahat kaya ng tao pare-pareho ang nararamdaman pag may nawawalan ng mahal sa buhay? bakit palagi na lang natin sa huli naiisip ang kamalian nating ginawa? mayroon bang pagkakataong muli ito ay maitama? mayroon nga bang buhay na walang hanggan? yan ang aking mga katanungan sa tuwing naaalala ko ang mga lola ko na hindi ko man lang nahingan ng kapatawaran.
Sino kaya ang may kaalamang makapagsasabi kung ano ang korte ng langit? sino kaya ang namatay na at muling mabubuhay para lang ipaliwanag kung gaano kaganda at katahimik ang tahanan ng ating Ama. at sino ang makakapag-patunay na pag namatay ka’y mayroon pang magandang umaga? maari kayang hilingin kahit isang oras lang makasama natin uli sila at maitanong kung gaano kalawak at kasaya ang bahay at buhay nilang pangalawa?
Bilang ako na isang batang iniwan ng taong nagmahal at nag-aruga sa akin napakarami kong katanungan na nais kong mabigyan ng kasagutan, dahil hanggang ngayon ako’y umaasa pa din na darating ang araw na muli ko silang masisilayan at mahahagkan.
Kayo po ba kagaya ko din po ba kayo na nangungulila na apo?
Kayo po ba ay ganoon din kagaya ko na nangungulila sa mga lola nyo?.