OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error

Ang Corruption – Rovelyn Alibong

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Ang Corruption ay namana na ng ilan pa mula pa noong unang kapanahunan. Ito ay masasabi natin na isang uri na ng sakit ng kasakiman sa kayamanan at kapangyarihansa sa lipunan. Kung ang bawat isa sa atin ay may takot at mahigpit ang pananampalataya sa ating may likha, siguro wala tayong corruption. Kung ang bawat isa ay may pagmamahal, malasakit sa kapwa at hindi lamang ang kanilang mga sarili ang iniisip maaring walang mangyayaring kurakot to the left, kurakot to the right sa ating gobyerno.

Bilang isang mamayan o katinig, alam ko na may magagawa ako, ikaw, tayo! Upang makatulong sa pagbawas ng tahasang pagnanakaw sa kaban ng inang bayan.

Una…matibay na paniniwala o pananalig sa kapangyarihan ng ating Panginoon.Taimtim na panalangin na sana itong mga mandarambong o sinumang namamahala sa ating gobyerno ay mabuksan ang isip at puso na ang umiiral ay pagibig sa kapwa at sa ating bayan.

Pangalawa…ay sabihin ang mga alam, malalaman o nakikitang maling ginagawa ng gobyerno. Tulad ngayon, nandiyan ang social network like Facebook na puedi nating iparating sa mga kinakaukulang goberno o alagad ng batas na puede nating pagkatiwalaan na ibigay ang lahat na mga impormasyon na kailangan malaman ng buong mamayan. Makiisa tayo na tuligsain, tutulan, kondenahin at parusahan ang mga mandarambong.

Pangatlo…Iboto ang mga karapatdapat na tao. Minsan kasi dala ng pangangailangan o kahirapan pumapayag na lamang tayo na bilhin ang ating boto na kahit alam nating ang taong ito ay hindi karapatdapat..na hindi natin iniisip na sa minsan ginhawang naibigay ay pagdurusang pang matagalan. Hindi lang ng isa, kundi ng buong sambayanan. Dignidad sa pagkatao at paninindigan sa tama ang isa sa maitutulong ko.

Pang apat…bilang isang magulang turuan ko ang aking mga anak sa mga bagong henerasyon at imulat sa kanila ang tama. Nang sa ganun kapag sila naman ang nasa ating kalagayan mulat na ang kanilang puso at isipan sa tama. Yun lang po at maraming salamat. Nawa Patnubayan tayong lahat ng Poong Maykapal… Mabuhay po tayong lahat…

Mabuhay Strawberry Paradise Team of Kuwait… Mabuhay Pinoy Tinig Radio.

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa